Welcome, visitor! [ Register | Login

Mga Bugtong na May Sagot

Filipino Articles November 29, 2017

Riddles in Tagalog is referred to as Bugtong. Ito ay isang palaisipan o talinghaga na may nakatagong kahulugan. Ang bugtong ay Isang pangungusap na patanong na humihingi ng kasagutan. Ang mga bugtong ay kadalasang patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.

Mga Halimbawa ng Bugtong na may Kasagutan:

  1. Maikling landasin, di maubos lakarin. – Anino (shadow)
  2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. – Sinturon (belt)
  3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. – Sapatos (shoes)
  4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. – Langgam (ant)
  5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. – Kandila (candle)

Mga Bugtong Mula Kay Kyle

  1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
    Sagot: kandila
  2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
    Sagot: langka
  3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
    Sagot: ampalaya
  4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
    Sagot: ilaw
  5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
    Sagot: anino
  6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
    Sagot: banig
  7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
    Sagot: siper
  8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
    Sagot: gamu-gamo
  9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
    Sagot: gumamela
  10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
    Sagot: kubyertos
  11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
    Sagot: kulambo
  12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
    Sagot: kuliglig
  13. Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.
    Sagot: kulog
  14. May bintana nguni’t walang bubungan,
    may pinto nguni’t walang hagdanan.
    Sagot: kumpisalan
  15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
    Sagot: palaka

Karagdagang Mga Bugtong na May Sagot Mula Ulit Kay Kyle

  1. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
    Sagot: kasoy
  2. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
    Sagot: paruparo
  3. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
    Sagot: mga mata
  4. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
    Sagot: tenga
  5. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
    Sagot: baril
  6. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
    Sagot: bayong o basket
  7. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
    Sagot: batya
  8. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
    Sagot: kamiseta
  9. Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.
    Sagot: saraggola
  10. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
    Sagot: ballpen o Pluma
  11. Nagbibigay na, sinasakal pa.
    Sagot: bote
  12. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
    Sagot: sandok
  13. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
    Sagot: kampana o batingaw
  14. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
    Sagot: bayabas
  15. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
    Sagot: balimbing

Bugtong na may Kasagutan Mula sa Isang User P:

  1. Dalawang bolang sinulid umaabot hanggang langit.
    Sagot: Mata
  2. Ang paa ay apat ngunit hindi naman ito makalakad.
    Sagot: Mesa
  3. Bulutong ang tawag kung sa mukha, kung sa pagkain ang naman ang tawag.
    Sagot: Munggo
  4. Mabilog na daigdig, ang laman ay tubig.
    Sagot: Buko o niyog
  5. Mapuputing sundalo ng kagitingan, laging nagkakauntugan sa kainan.
    Sagot: Ngipin

Mga Panibagong Bugtong na ibinahagi ng Isang User:

  1. Mga problemang pinagsamasama sa balikat pilit na dinadala.
  2. Marahang tunog na nauulinigan parang ikinukuskos sa kapaligiran.
  3. Sanga-sanga, buko buko. Nagbubulaklak pero di nagbubuko. Naglalaman ngunit walang buto.
  4. Mapatubig o mapalupa, ang dahon ay nananatiling sariwa.
  5. Di mo siya kakalabani dahil kayo ay may isang layunin.

Mayroon ba kayong alam na bugtong na mahirap sagutan? Inyong ipamahagi dito. Halika na at magbugtong-bugtungan tayo.

Imbitahin ang inyong mga kaibigan sa Facebook upang sagutin ang inyong mga katanungan. Ano pa ang hinihintay niyo?

Sponsored Links

  • Mga Bugtong na May Sagot

    by on November 29, 2017 - 0 Comments

    Riddles in Tagalog is referred to as Bugtong. Ito ay isang palaisipan o talinghaga na may nakatagong kahulugan. Ang bugtong ay Isang pangungusap na patanong na humihingi ng kasagutan. Ang mga bugtong ay kadalasang patungkol sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Mga Halimbawa ng Bugtong na may Kasagutan: Maikling […]